2 ARESTADO SA P340K SHABU SA QC

ARESTADO ang dalawang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ang mga arestado ay kinilalang sina Manuel Fernandez y Santelices, 42, at Randy Abellon y Flores, 32, factory worker, itinuturing na top drug personality.

Ang dalawang drug suspect ay nadakma ng mga operatiba ng Police Station 2 ng Quezon City Police District bandang alas-3:45 ng madaling araw nitong Martes sa kanto ng G. Araneta Ave. at Del Monte Ave., Brgy. Masambong, Quezon City.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang 50 grams ang timbang at P340,000 ang halaga, at ang ginamit na buy-bust money.

Ayon kay PS-2 commander, P/Lt. Col. Richie R. Claravall, ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (LILY REYES)

96

Related posts

Leave a Comment