MARIJUANA IPINASOK SA MP3 SPEAKERS, BUKING

NASABAT ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang pitong bloke ng marijuana na tinatayang P354,000 ang halaga, sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Tondo, Manila noong Martes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Judem Alleck Padilla, residenre ng CM Recto Avenue sa Brgy. 14 sa Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD-Station 2, bandang alas-2:00 ng hapon, habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang kanyang mga tauhan sa panulukan ng Claro M. Recto Avenue at Asuncion St. sakop ng Tondo, nang mamataan ang isang lalaki na tila balisa at parang may itinatago.

Dahil dito, agad nila itong sinita at inusisa ang dalang malaking kahon na naglalaman ng limang MP3 wireless speakers.

Ngunit nang buksan ang nasabing mga speaker ay natuklasan sa loob nito ang pitong bloke ng marijuana na nakabalot sa plastik.

Umabot sa halos tatlong kilo ang nasabing ilegal na droga na nagkakahalaga ng P354,000.

Sa himpilan ng pulisya, nananatiling tahimik ang suspek kung saan nito nakuha o kung sino ang source ng nasabing droga.  (RENE CRISOSTOMO)

191

Related posts

Leave a Comment