SALON OWNER ITINUMBA

CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite Police ang isang lalaki na bumaril at pumatay sa isang negosyante sa isang parking area sa Trece Martires City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Cesar Caceres, 53, may-ari ng isang salon at residente ng Brgy. Cabesas, Trece Martires City, dahil sa tama ng bala sa katawan.

Mayroon nang ‘person of interest’ ang pulisya bagama’t hindi pa ibinubunyag ang pangalan habang nangangalap pa ng mga ebidensiya.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Eduardo Reyes ng Trece Martires City Police, dakong alas-7:55 ng umaga nang barilin ng suspek ang biktima sa harapan ng isang parking area malapit sa kanyang salon sa Mojica Building, Brgy San Agustin ng naturang lungsod, na nagresulta sa agarang kamatayan nito.

Ayon kay P/SSgt. Reyes, dalawang anggulo ang tinitignan nilang motibo sa pagpatay sa biktima base sa pahayag ng ilang saksi kabilang dito ang umano’y pagkaka-utang at ‘third party’ gayunman patuloy sa pangangalap ng mga ebidensya ang mga awtoridad. (SIGFRED ADSUARA)

174

Related posts

Leave a Comment