DALAWANG bata ang namatay sa insidente ng sunog sa Barangay 185, Caloocan City nitong Huwebes ng umaga.
Ayon sa impormasyong nakalap, ang mga namatay ay isang 7-anyos na batang babae at isang 2-anyos na lalaking paslit.
Natagpuan ang mga labi ng mga bata dakong alas-7:00 ng umaga sa natupok nilang bahay.
Nabatid mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Public Information Office, umabot sa unang alarma ang sunog dakong 1:05 am, idineklarang under control dakong 1:47 am at ganap na naapula alas-3:20 ng madaling araw.
Hindi kukulangin sa 15 bahay ang nasunog at tinatayang umabot sa P100,000 ang halaga ng naging pinsala sa mga ari-arian. Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng dahilan ng sunog. (ALAIN AJERO)
173 