TODO tanggi ang Bureau of Customs (BOC) sa naglabasang social media posts kaugnay ng diumano’y hayagang panghihimasok ng isang presidential aspirant sa proseso ng pagtatalaga at promotion ng mga empleyado ng nasabing kawanihan.
Sa isang pahayag, sinabi ng BOC na walang katotohanan ang mga pahayag ng isang empleyadong nagngangalang Reynaldo “Bepoy” Galeno hinggil sa umano’y pakikialam ni Senador Bong Go sa aspeto ng pagpili ng mga mauupo sa mga sensitibong pwesto sa nasabing ahensya.
Sa social media post, hayagang sinabi ni Galeno ang umano’y pagdidikta ng senador kung sino ang dapat italaga at itaas ang katungkulan – bagay na pinasinungalingan ng kawanihan kasabay ng giit na may prosesong pinaiiral ang kanilang Human Resources Management Division (HRMD) sa pagpili ng mga karapat-dapat italaga at i-promote sa pwesto.
Ayon pa sa BOC, wala na sa kanilang ahensya si Galeno.
“The Bureau’s Human Resource Management Division (HRMD) processes applications for hiring/promotion in accordance with CSC-approved BOC Merit Selection Plan pursuant to 2017
ORAOHRA, as amended. Further, the BOC Commissioner as the agency’s appointing authority is responsible for the issuance of appointment to first and second level positions in the Bureau,” saad ng isang kalatas ng BOC.
“Meanwhile, the grant of reward for employees under Republic Act (RA) 9335,
otherwise known as the Attrition Act, follows an internal process within the Department of Finance (DOF), BOC, and its employees and is free from any external influence,” dagdag
pa nito.
Ayon pa sa ahensya, ang paggagawad ng merito sa mga kawani ay trabaho ng Revenue Performance Evaluation Board, na binubuo ng DOF, Department of Budget and Management (DBM) at ng
National Economic and Development Authority (NEDA).
Binigyang diin ng BOC na kailanman ay hindi umano nakisawsaw sa anumang usapin sa loob ng kawanihan ang senador na ngayo’y aspirante para sa posisyon ng Pangulo – “Needless to state, Senator Bong Go has not intervened in any BOC matters.”
154
