LUCENA CITY – PATAY ang isang babaeng kubrador ng STL matapos pagbabarilin ng riding in tandem noong Lunes ng gabi sa lungsod na ito.
Kinilala ni P/Lt. Col. Reynaldo Reyes, hepe ng Lucena PNP, ang biktimang si Abelina Paguio Obciana, 47.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang biktima dakong alas-8:30 ng gabi at naka-backride sa tricycle nang biglang harangin ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo at binaril ng dalawang beses sa ulo si Obciana at saka mabilis na tumakas.
Nagawa namang dalhin sa St. Anne General Hospital ang biktima ng nagrespondeng mga miyembro ng PNP SWAT team.
Ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian ito ng buhay dahil sa tatlong tama ng bala mula sa 9mm pistol.
Agad namang nag-utos si P/Lt. Col. Reyes ng manhunt operation sa tumakas na mga suspek.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang
