CAYETANO NAGING PRO-LABOR RIGHTS (KUNO)

ISA na raw ngayon si ­dating Speaker at incumbent ­Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa mga nagsasalita pabor sa mga manggagawa. Biglang naging kunwari pro-labor rights ang kongresista.

Pero nakapagtataka na noong mga nakaraang ­admin­istrasyon, wala naman akong matandaang sinabi niya tungkol o pabor sa mga raliyista na marahas na dinisperse.

Pumabor pa nga siya sa pagsasara noon ng isang malaking broadcast firm na libu-libo ang mga nawalan ng kita.

Kumakahol pa siya laban sa e-sabong o online sabong dahil nais niya raw maging buo ang pamilyang Pilipino.

Pabor daw ito sa mga manggagawa pero sarado ang konsensiya sa mga mawawalan ng trabaho kapag nawala ang e-sabong?

Kung matatandaan, noong Setyembre 21, 2021 ay ­inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at ­huling pagbasa ang panukalang magbibigay ng prangkisa sa e-sabong operator na Lucky 8 Star Quest, Inc. sa loob ng 25 taon.

Nakasalang na rin sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang e-sabong operator na Visayas Cockers Club Inc.

Mahalaga raw, para kay Cayetano, na matalakay nang mabuti ang masamang epekto ng e-sabong lalo at mayroon nang nakulong at nagpakamatay raw dahil dito.

Para kay Cayetano, dapat daw ang atupagin ng Kongreso ay mga direct stimulus program na magpapalakas sa pagkonsumo at bubuhay sa mga ­maliliit na negosyo na makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya.

Maliit lang naman daw ang kikitain ng gobyerno kapag nabigyan ng 25-taong prangkisa ang e-sabong operators. Hindi raw maganda ang epekto nito sa lipunan.

Ngunit sa pagtaya ng Philippine Amusement and ­Gaming Corp., (PAGCOR), ang ­gobyerno ay kikita ng P7 bilyon kada taon sa e-sabong.

Abogado naman itong si Cayetano pero tila hindi nag-iisip. Makapamulitika lang ay walang pakialam na nagmumukha na siyang walang alam sa kanyang mga sinasabi.

Mantakin ninyo, mas gusto niyang tulungan ang mga tao at bigyan ng ayuda sa halip na tulungang kumayod para sa kanilang mga sarili.

Hindi ba’t mas magandang bigyan sila ng oportunidad para kumita?

130

Related posts

Leave a Comment