Sa puspusang kampanya laban sa insurhensiya 52 NPA NAPATAY NG PNP-PRO5

NAGBUNGA ang mahigpit na pagsisikap ng PNP-Police Regional Office 5 na durugin ang wakasan ang insurhensiya sa rehiyon sa pamamagitan ng regular na internal security operations na humantong sa pagkaneyutralisa ng maraming kasapi ng communist terrorist group, ayon sa kanilang datos na sumasaklaw sa panahon mula Enero 1 hanggang Nobyembre 30, 2021.

Ayon sa kanilang tala, umabot sa 150 rebelde ang naaresto, 342 ang nahikayat na bumalik sa kawan ng batas, at 52 naman ang napatay sa aktwal na engkwentro.

Nagresulta rin ito sa pagkakakumpiska at pagbawi ng 358 sari-saring mga baril at bala, at 58 na pampasabog.

Ang lalawigan ng Masbate ang may pinakamataas na bilang ng rebel returnees na may 202; sinundan ng Sorsogon, 66; Camarines Sur, 48; Camarines Norte, 24, at RMFB 5 na may dalawa.

Upang maalis ang stigma sa mga nagbabalik-loob, ang Police Regional Office 5, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, kasama ang mga katuwang na ahensya, ay naglunsad ng ilang mga programa para sa reintegration ng mga dating rebelde, sa ilalim ng whole-of-nation approach upang bigyan sila ng pag-asa sa kanilang pagsisimula ng bagong kabanata ng kanilang buhay.

Nag-organisa rin ang PNP-PRO5 ng mga aktibidad na humihimok sa iba pang ahensya na tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan. (JESSE KABEL)

155

Related posts

Leave a Comment