MAGPAPATUPAD ng ‘anti-dumping duties’ sa pamamagitan ng cash bond ang Bureau of Customs (BOC) sa importasyon ng semento mula sa Vietnam upang hindi maapektuhan ang lokal na industriya sa bansa.
Nitong Disyembre 20 ipinatupad ang Customs Memorandum Order (CMO) No. 38-2021 na nag-aatas ng probisyonal na ‘anti-dumping duties’ para sa tukoy na semento mula sa Vietnam.
Epektibo ito sa loob ng apat na buwan base sa Department Administrative Order (DAO) No. 21-07 ng Department of Trade and Industry (DTI) at direktiba ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez.
Sa ilalim ng Republic Act No. 8752, ang Anti-Dumping Duty ay espesyal na buwis na itinatakda sa importasyon ng produkto sa Pilipinas na mas mababa sa normal nitong halaga sa pinanggalingang bansa. (RENE CRISOSTOMO)
240
