ID, VAX CARD LAGING DALHIN

PINAALALAHANAN ng MMDA ang publiko na palaging dalhin ang kanilang ID at vaccination card.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni MMDA chair Benhur Abalos na magkakaroon ng random checking sa lahat ng mga gusali habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang NCR at ilang lugar sa bansa.

“Titingnan po ito sa lahat ng mga gusali sa papasok ‘no, random po ito at of course makikipag-ugnayan tayo sa mga kapulisan to make sure that we are really serious on this,” ayon kay Abalos.
Tiniyak din niya na makikipagtulungan ang national government sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP) sa mga kawani ng LGUs, kasama na ang mga private sector gaya sa malls upang masiguro na maipatutupad ito.

Ani Abalos, bahagi ito ng gagawing paghihigpit sa galaw ng mga unvaccinated and partially vaccinated na inaprubahan sa pamamagitan ng resolusyon ng Metro Manila Council. (CHRISTIAN DALE)

170

Related posts

Leave a Comment