2 LIBRENG FIGHTER JET ALOK NI CHAVIT SA AFP

DALAWANG modernong fighter jets mula sa Estados Unidos ang alok ni League of Municipalities (LMP) president at Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ayon mismo sa Department of National Defense.

“Yes, he offered to donate,” tugon ni Sec Lorenzana sa pahayagang SAKSI.

Gayunpaman, hindi naman aniya pwedeng agad nilang tanggapin ang anumang donasyon, partikular ang dalawang fighter jets – dahil kailangan pa aniyang pag-aralan ang legalidad ng nasabing alok, lalo pa’t isang kilalang pulitiko si Singson.

Dapat din aniyang busisiin kung magiging paborable o kung makatitipid ang pamahalaan bunsod na rin aniya ng malaking ponding kailangan para sa maintenance ng mga sasakyang pandigma.
“We are looking into the legality and if it is economical to possess.”

Nilinaw naman ni Singson na bagamat siya’y isang pulitiko, hindi naman aniya siya kumakandidato sa anumang posisyon para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2022. Giit ng kilala political kingpin ng Ilocos Sur kung saan siya nanilbihan bilang gobernador sa mahabang panahon, isa na siyang ibilyan ngayon.

“We thank Mayor Singson for his intent to donate and we look forward to further discussion on the donation that will surely help the capability of the AFP in the Defense and security of our country” ayon naman kay AFP Spokesman Colonel Ramon “Demi” Zagala.

“This is the most sophisticated fighter jets so far as it is equipped with a high frequency radar that can monitor and detect a submarine as far as 2,000 kilometers away,” paglalarawan ni Singson sa mga iniaalok na libreng US-made fighter jets sa AFP.

Gayunpaman, nananatiling nakatengga ang pagbili ni Singson sa mga nasabing fighter jets dahil hindi pa umano nagsusumite ng formal request ang AFP sa Estados Unidos, na bahagi ng mga kondisyong inilatag ng US federal government bago pa man aprubahan ang nasabing procurement deal sa pagitan ni Singson ang mga US.

Pagtitiyak ni Singson, hindi magiging dagdag gastusin sa AFP ang maintenance at repair ng mga naturang pandigmang eroplano dahil pasok na ito sa presyong kanyang babayaran sa sandaling ganap nang aprubahan ang bilihan.

Maging ang aspeto ng paglilipat ng kaalaman sa operasyon ng mga nasabing eroplano, sagot na din daw niya.

“This includes the maintenance, repair and operations (MRO) as there is no trainer in the country of such hi-tech fighter jets,” hirit pa ng kingpin.

Una rito ay nagbigay na rin si Singson ng 44 assault rifles sa DND. (JESSE KABEL)

303

Related posts

Leave a Comment