PASSENGER BUS PINASABUGAN, 1 PATAY, 6 SUGATAN

PATAY ang isang 5-anyos na paslit habang anim ang sugatan makaraang pasabugan ng improvised explosive device (IED) ang isang passenger bus sa Barangay San Mateo, bayan ng Aleosan, North Cotabato kahapon ng umaga.

Ayon kay Lieutenant Colonel John Paul Baldomar, spokesman ng 6th Infantry Division, kinilala ang namatay na si Benjamin Solaiman, 5-anyos, unang iniulat na nasa kritikal na kondisyon.

Habang ang anim pang sugatan na itinakbo sa iba’t ibang pagamutan ay kinilalang sina Haron Solaiman, 24; Masid Piang 25; Yushira Solaiman, 3; Rodolfo Castillo 67; Haira Solaiman, limang buwan lamang, at Lester Bautista Alcare, 17-anyos.

Ayon sa inisyal na impormasyong ibinahagi ni Col. Baldomar, galing ng Davao ang Mindanao Star bus patungong Cotabato City.

Ngunit pagsapit sa Barangay San Mateo dakong alas-8:10 ng umaga, biglang may malakas na pagsabog na nangyari sa gawing likuran ng bus.

Ayon Col. Henry Villar, Cotabato Provincial police director, may 20 pasahero ang bus na may Body Number 15511.

Wala pang grupo na umaako sa nasabing pagpapasabog na isinagawa dalawang araw mula nang simulan ang nationwide election gun ban at paglalagay ng 2,000 COMELEC-PNP-AFP checkpoints sa buong bansa. (JESSE KABEL)

169

Related posts

Leave a Comment