Bawas sa anxiety ng mga guro, estudyante MANILA NAGPATUPAD NG HEALTH BREAK

NAGPATUPAD ng health break ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila simula sa Enero 14 hanggang Enero 21, bunsod ng lumalalang bilang ng COVID-19 cases.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko moreno” Domagoso, ang health break ay upang mabigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga guro at mga mag aaral.

Paliwanag ng alkalde, ang health break o walang pasok ay ipatutupad sa lahat ng level sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan at unibersidad.

“The City of Manila is declaring a health break starting January 14 to January 21, 2022. Walang pasok, online or physical classes in all levels. Para magka-health break naman, mabawasan ang anxiety ng mga guro, magulang at estudyante,” pahayag ng alkalde sa isinagawang press conference today kahapon.

Ipinatupad ang health break bunsod ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19.

Samantala, 24-oras na ipinatutupad ang booster shots sa mga nasa sasakyan sa caravan sa Rizal Park.

Ito ay matapos ang pakikipag-ugnayan ng alkalde sa Manila DRRMO, Manila Traffic and Parking Bureau, at Manila Health Department.

Kasalukuyang 200,000 doses ng bakuna ang hawak ng Manila LGU

para sa bakunahan kontra COVID-19. (RENE CRISOSTOMO)

651

Related posts

Leave a Comment