HINDI napigil ng napakalakas na buhos ng ulan ang pagtungo ng mga OFW at pamilyang OFW sa Puerto Galera Municipal Gymnasium.
Matapos masiguro ang pagpapatupad sa health protocols na pinangasiwaan ng mga kawani ng Puerto Galera sa tagubilin ni Municipal Administrator Carmela Dating-ginoo, ay agad sinimulan ang programang OFW FORUM ng Team #10 AKOOFW PARTYLIST.
Naunang namahagi ng mga munting regalo si 3rd noninee Nald Santos na sinundan ng pangungusap na nagpa-alab sa damdamin ng mga OFW at dating OFWs.
Naging bahagi naman ng talumpati ni AKOOFW Partylist Chairman at 1st nominee Dr. Chie Umandap ang kasabihang “ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan” dahil kanyang binigyan diin na ang pagtungo ng Team #10 ay ang pagbabalik ng kanyang kabiyak na isang lehitimong taga-Puerto Galera.
Idinagdag pa, na ang pagbabalik sa Puerto Galera ay ang pagsisimula ng mas maigting na pagtutulungan at pagmamalasakitan na nagsimula dahil sa pagmamahalan.
Kasabay nito, inilatag ng Team #10 AKOOFW partylist ang mga isinusulong nitong adbokasiya na ninanais na maging batas na kinabibilangan ng mga sumusunod:
OFW Hospital ward sa lahat ng Regional Hospitals,
OFW Pension Plan,
OFW & Family discount benefits,
OFW Pabahay program,
OFW Advisory Council sa Bawat Barangay,
OFW Balik-Pinas Employment Center sa lahat ng PEZA Zone,
OFW Children Guidance Affairs Center sa lahat ng pribado at publikong paaralan,
OFW Protection and Monitoring Apps.
Matapos ang programa ay agad nagtungo ang buong tropa ng AKOOFW Partylist sa isang pamayanan ng katutubong Mangyan.
Ang AKOOFW Partylist Puerto Galera Chapter ay pinamumunuan ni Simeon Famini, bilang Municipal Chapter president.
340
