GIGIL na nanawagan si Senadora Imee Marcos sa Department of Agriculture na tigilan na ang importasyon ng isda.
“Galit ako dyan, import to death, halos natatabunan pa tayo ng last year’s import, ano ba?” saad ni Marcos.
Una nang kinumpirma ni Agriculture Secretary William Dar na aangkat ang Pilipinas ng 60,000 metric tons ng galunggong at mackerel upang punan ang kakapusan ng local supply sa unang quarter ng taon.
Sa kabilang dako, nanindigan ang mga mangingisda na hindi kailangan ng importasyon dahil mayroon pang natitirang isda mula sa inangkat noong isang taon.
Sa impormasyon ng mambabatas, nasa 35,000 metric tons pa ng inimport na isda mula noong 2021 ang idedeliber para sa 2022.
“Stop that importation! Papatayin nyo ang local fisheries,” saad ni Marcos. (DANG SAMSON-GARCIA)
195 