168K NAGPAREHISTRO SA PEDIATRIC VAX DRIVE

TINATAYANG aabot sa 168,355 ang mga batang nirehistro na ng kanilang magulang para sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga lima hanggang labing isang taong gulang.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health undersecretary Myrna Cabotaje na mula ang bilang na ito sa mga isinumiteng datos ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR).

Itinakda ang pag-arangkada ng expanded pediatric vaccination para sa 5-11yo sa darating na February 4, 2022. (CHRISTIAN DALE)

247

Related posts

Leave a Comment