OFW NA MAY SAKIT SA BITUKA, NAKATENGGA PA RIN SA POLO- RIYADH

Aksyon OFW

MAGANDANG araw, mga ka-Saksi, muling humingi ng tulong sa Aksyon Bantay OFW ang kabayani nating si Cielo Sabando na tubong Surigao, at matagal nang may karamdaman sa kanyang bituka.

Bagama’t nasa pangangalaga na siya ng POLO sa Riyadh, ­Saudi Arabia, si Sabando ay naghihintay pa rin ng kanyang exit visa simula pa noong 2020.
Hindi pa raw siya napasama sa dalawang repatriation flights ng gobyerno noong nakaraang taon.

Ipa-follow po natin ang kaso ni kabayaning Sabando sa tanggapan ni AKO OFW chairman Dok Chie Umandap na tumututok dito.

***

Umaapela si House Deputy Speaker Loren Legarda sa susunod na administrasyon na ­gawing prayoridad ang implementasyon ng Department of Migrant ­Workers Act, na nilagdaan ni Pang. Rodrigo Duterte noong Dec. 30, 2021.

Ayon kay Legarda, tumatakbong Senador sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition, ang bagong ahensya ay dapat ­mabigyan ng sapat na pondo para matugunan ang mga concern ng OFW sa gitna ng global pandemic.

Dahil sa hindi inaasahang health crisis at political unrest sa iba’t ibang panig ng mundo, dapat may pondong nakalaan sa legal assistance, repatriation programs, at reintegration programs para sa mga OFW.

Bukod dito, dapat maihanap din ng gobyerno ng trabaho o redeployment ang higit ­kalahating milyong OFWs na nawalan ng trabaho, at magkaroon sila ng entrepreneurial opportunities, skills mapping at job matching sa ibang lugar.

“With millions of Filipinos working in foreign nations, it is our duty to safeguard their rights and welfare. A dedicated Department will make sure that our OFWs are in a secure workplace with fair terms of employment, decent working and living conditions, health protection, medical care, and other forms of social protection,” dagdag ni Legarda.

Si Legarda ang author at sponsor ng ilang batas para sa proteksyon ng OFWs, kabilang na ang RA No. 10635, o ang Maritime Industry Authority (MARINA); RA No. 10801 o Overseas Workers Welfare Administration Act at RA No. 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.

Bilang chairman ng Senate Committee on Finance noong Senador pa, si Legarda ang naglaan ng dagdag pondo sa Department of Foreign Affairs para sa repatriation ng OFWs at legal assistance fund.

Para sa inyong komentaryo, suhestyon at reaksyon, ipadala lang sa dzrh21@gmail.com.

451

Related posts

Leave a Comment