AKO BISAYA PARTY-LIST REP. SONNY “SL” LAGON, MAMIMIGAY NG PREMYO SA KANYANG 53rd BIRTHDAY!

HINDI talaga maitatanggi na napakarami nang pagkakataong nasilayan at nasaksihan ang buong pusong katapangan at katatagan sa kamalayan ng mga Pilipino.
Siyempre, mula sa mga ­giyera, bagyo, pagputok ng mga bulkan, at iba pang kalamidad, nasubok ang tibay nating lahat.

Walang eksaktong panahon kung paano nabuo ang konsepto ng Filipino resilience.

Kung tawagin sa Tagalog, ito ay ang pagiging matatag ng mga Pilipino.

Ngunit sinasabing ­maaaring ito raw ay nag-ugat sa mga paniniwala at pananampalataya ng mga Pinoy.

Paano nga naman kasi, tuwing may mangyayaring hindi maganda o maranasan nating mabigo ay parati ­nating ­sinasabing “bahala na” o ­ipinagpapasa-Diyos na lamang natin ito, at natuto raw tayong ­bumangon at maging matatag muli.

Ganyan naman talaga ang mga Pinoy.

Sinasabi ring nag-ugat ang kulturang ito dahil sa pagkakaroon ng matibay na samahan ng pamilya.

Kasama na nga riyan ang mga kaibigan na nagsisilbing karamay sa pagdating ng mga sakuna.

Ang panghuling sinasabing pinagmulan ng kulturang ito ay natural na umusbong daw dahil sa dami ng mga sakuna at ­kalamidad na naranasan ng mga Pinoy sa mga nakalipas na milenyo.

May may grupo naman at personalidad na talagang ­tumutulong sa pagbangon ng mga Pinoy tuwing may problema ang mga komunidad tulad na lamang ng AKO BISAYA PARTY-LIST.

Sa lahat ng panahon, nariyan ang grupo ni CONGRESSMAN SONNY “SL” LAGON na kilala ring breeder at aficionado.

Ubod ng dami ang mga natutulungan ni Cong. Lagon kaya maraming umiidolo rin sa kanya, na ang ilan ay mga sabungero.

Kasabay naman ng pag­diriwang ng kanyang ika-53 kaarawan, mamamahagi ng GCash at cash prizes si Cong. Lagon.

Para sa minor prizes, ang ipamimigay ni Cong. Lagon ay ang mga sumusunod:

*100 winners – P500 GCash each

*53 winners – P1,000 cash each

*53 winners – P2,000 cash each

Ang grand prize naman na makukuha ng nag-iisang winner ay ang nangingintab at bagong-bagong Yamaha NMax na nagkakahalaga ng P120,000.
Naku, para makasali, una, i-like ang Ako Bisaya [Party-list] Facebook Page at Instagram account.

Pangalawa, i-share ang tungkol sa promong ito na makikita sa page sa pamamagitan ng inyong Facebook account at i-tag ang tatlong friends sa FB.
Pangatlo, mag-tag ng mas marami pang kaibigan para mas marami ka ring entries.

Dapat naka-public at hindi naka-private ang post.

“Winners will be announced during the Ako Bisaya Facebook live on Cong. Sonny Lagon’s 53rd Online Birthday Celebration on February 2, 2022 at 7:00 pm, mamayang gabi po iyan,” ­pahayag ni Cong. Lagon.

Ang ‘deadline of entries’ naman ay hanggang tanghali, 12:00, ngayong araw, Pebrero 2.

Aba’y ano pa’ng hinihintay n’yo, mga ka-sabong, sali na po!

450

Related posts

Leave a Comment