Mas epektibo pa rin – solon F2F CLASSES DAPAT ITULAK NG DEPED

KAILANGANG itulak ng Department of Education (DepEd) ang pagbubukas ng mas maraming eskuwelahan sa face-to-face classes dahil mas epektibo ito sa mga estudyante kumpara sa kasalukuyang sistema na distance learning.

Ginawa ni ACT Party-list Rep. France Castro ang nasabing pahayag lalo na’t ibinaba na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 2 ang National Capital Region (NCR) kasama na ang Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal, Biliran, Southern Leyte, at Basilan.

“Face-to-face classes are still the best way for pupils to gain access to quality education. Opening schools in low risk areas has been long overdue,” ayon pa sa mambabatas.

Sa ngayon ay limitado ang natutunan ng mga estudyante dahil hindi nila kaharap ang kanilang mga guro sa kanilang pag-aaral kaya kailangang ibalik na aniya ang face-to-face classes.

Sa katunayan, maaari na aniyang maglunsad muli ng limited face-to-face classes sa nabanggit na mga lugar lalo na’t mismong ang DepEd ang nagsabi na matagumpay ito bago nagkaroon ng Omicron variant.

“Dapat bigyan ng halaga ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga pagkakataon na maaaring buksan ang mga paaralan sa mga lugar na low risk,” dagdag pa ng lady solon.

Dapat aniyang samantalahin ng DepEd ang mid-year break ng mga klase, para paghandaan ang mas pinalawak na listahan ng mga paaralan na magbubukas sa mga lugar na low risk.

“Government should ramp up its plans and prepare our schools for the safe reopening of classes to also boost the nation’s confidence and allow the safe reopening of face-to-face classes,” dagdag pa ng kinatawan ng mga guro sa Kamara. (BERNARD TAGUINOD)

434

Related posts

Leave a Comment