TOP 5 MOST WANTED NA KARNAPER, HULI SA RIZAL

RIZAL – Nadakip ng mga awtoridad sa kanyang pinagtataguan ang isang 29-anyos nalalaking wanted sa kasong carnaping sa bayan ng Pililla sa lalawigang ito.

Kinilala ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, ang naaresto na si Jerry Obinguar, nasa hustong gulang at nakatira sa M.A. Roxas St., Brgy. Bagumbayan sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Maj. Florante Yu, hepe ng pulisya, dinakip nila ang suspek dakong alas-12:20 ng madaling araw noong Pebrero 1 sa bahay nito sa nabanggit na lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Maria Josefina Goseco ng RTC Branch-79, Morong, Rizal, sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Act of 2016.

Base sa pulisya, si Obinguar ay no.5 most wanted person sa buong probinsya ng Rizal. (KNOTS ALFORTE)

316

Related posts

Leave a Comment