MAHIGPIT na seguridad ang ipinalatag ni Manila Police District Director, P/B. Gen. Leo Francisco sa tatlong unibersidad sa Maynila na pagdarausan ng dalawang araw na bar exams.
Hindi lang sa Makati, Taguig, Mandaluyong, Navotas, Malabon, Pasay at lungsod ng Quezon magiging mahigpit ang seguridad upang matiyak na ligtas ang mga lalahok sa pagsusulit at masusunod ang tamang health protocols.
Nagsimula ang pagsusulit bandang 7:00 ng umaga sa mga kalahok na unibersidad sa Metro Manila mula nitong Biyernes at matatapos sa Linggo.
May ilang daang unipormadong pulis ang itinalaga ni General Francisco sa tatlong eskuwelahan sa Maynila.
Bukod dito, may mga nakasibilyan ding nag-iikot sa paligid ng pinagdarausan ng pagsusulit.
Bago sumalang sa pagsusulit ay isinailalim sa swab test ang mga lalahok at may 100 sa mga ito ang nakitang positibo sa COVID-19. Gayunman, pinayagan na rin silang makapag-exam. (RENE CRISOSTOMO)
179 