1 TULAK, 3 PAROKYANO LAGLAG SA BUY-BUST

BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Manila Police District ang isa umanong drug pusher nang naaktuhan habang nagtutulak ng ilegal na droga sa tatlo nitong parukyano, sa inilatag na buy-bust operation sa Tondo, Manila noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang target ng operasyon na si Michael Sto Niño y Suba, 46, anyos, may asawa, vendor, ng #987-C Dagupan St., Tondo.

Samantala, binitbit din ng mga awtoridad ang umano’y mga parukyano nitong sina Frederick Salonga, 49, vendor; Joy Manlulu, 32, helper, at Matthew Crisostomo, 29, vendor.

Ayon kay P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo III, commander ng MPD-Moriones Police Station 2, bandang alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanyang mga tauhan sa kahabaan ng Dagupan St., sakop ng Brgy. 49 sa Tondo.

Pinangunahan ang operasyon ni P/Lt. Jomar De Belen, hepe ng MPD-SDEU, habang si P/Cpl. Mark John Alvarez ang nagsilbing poseur buyer na nakabili umano ng shabu mula sa suspek.

Dinamba ng mga operatiba si Sto. Niño makaraang makumpiskahan ng dalawang bulto na nasa plastic sachet at tatlong maliliit na plastic sachet na hinihinalang shabu na tumitimbag sa 11.5 gramo katumbas ng halagang P80,240.

Binitbit din ng mga awtoridad ang tatlo pang mga suspek na natiyempuhang umiiskor umano ng shabu kay Sto. Niño.

Ang mga suspek ay nahaharap kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

Habang kinasuhan naman sa Section 11 ng R.A.9165 ang tatlo umanong parukyano

Nabatid sa report ng MPD, sinasabing ang mga binitbit na parukyano ay matagal na umanong suki sa bentahan ng droga sa lugar. (RENE CRISOSTOMO)

135

Related posts

Leave a Comment