HIV CASES DUMOBLE – DEFENSOR

POSIBLENG sumampa sa 100,000 ang kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas sa kalagitnaan ng taong ito kapag nadiskaril  ng pandemya sa COVID-19 ang health service sa mga HIV positive.

Ito ang pinangangambahan ni Rep. Mike Defensor ng Anakalusugan party-list lalo na’t mahigit doble ang itinaas ng bilang ng HIV cases noong 2020 kumpara noong 2021.
“A total of 12,341 new HIV infections were diagnosed in the country in 2021, up by 54 percent from the 8,036 new cases detected in 2020,” ayon kay Defensor kung saan 81% sa mga ito ay nakuha
sa m2m o men-to-men sex.

Nabatid na 11,793 sa mga ito ay lalaki, 548 ang babae at sa nasabing bilang, 746 ang nagtrabaho sa ibang bansa sa nakaraang 5 taon.

Dahil sa naidagdag na kaso noong 2021, sumampa na sa 94,337 HIV confirmed cases sa bansa base sa report ng National HIV/AIDS Registry ng Department of Health (DOH).

“The next Congress may have to increase annual funding for HIV prevention and treatment to cope with the surge in new infections and the demand for treatment,” mungkahi ng mambabatas.

Ito aniya ang tanging paraan upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng HIV sa bansa tulad noong nakaraang dahil napurnada ang serbisyo, testing at pagpapagamot sa mga HIV positive nang pumutok ang COVID-19.

“If a person living with HIV is not diagnosed right away, then that individual could be unknowingly spreading the infection,” paliwanag pa nito. (BERNARD TAGUINOD)

159

Related posts

Leave a Comment