6 SEATER PLANE BUMAGSAK SA ZAMBALES

BUMAGSAK sa dagat ang isang light-twin piston-engined aircraft na may lulan na anim na student pilot kahapon ng umaga sa Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales.

Nagsasagawa umano ng test flight ang mga piloto sakay ng Rockwell Commander 685 or Aero Commander 685 aircraft nang bumagsak ito sa tubig, may 500 metro mula sa dalampasigan ng Purok 3, Barangay Sto. Rosario, bandang alas- 7:10 ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng PNP-Maritime Group, ligtas naman ang mga sakay ng eroplano na agad narecover ng rubber boat ng local police at Philippine Coast Guard.

Nagtamo ng mga sugat ang mga biktima na kinilalang sina Captain Florencio Ruiz; Captain Jamel Reamon; Captain Albrench Sagario; Captain Carmelita Bidayan na siyang nagpapalipad ng eroplano, Captain Ian Vincent Agdamag at Captain Robin Austria. Dinala ang mga ito sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital.

Patuloy pang inaalam ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang sanhi ng pagbagsak ng aircraft bagaman nauna nang sinabi ng piloto na “mechanical failure” ang dahilan ng aksidente. (JESSE KABEL)

249

Related posts

Leave a Comment