(NI BETH JULIAN)
SINIMULAN na ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagbalangkas ng executive order para tugunan ang krisis sa suplay ng tubig sa Metro Manila at mga kalapit na bayan.
Ang aksiyon na ito ng pamahalaan ay para maayos na matugunan ang problema sa suplay ng tubig.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, may ginagawa na namang hakbang ang economic cluster at Cabinet assistance system bago pa man maranasan ang krisis sa suplay ng tubig kaugnay sa distribusyon.
Bukod sa suplay sa tubig, inaayos na rin ng pamahalaan kung paano tutugunan ang problema sa sewerage, sanitation, irrigation, flood management, watershed management at iba pa.
Sa pamamagitan ng EO, sinabi ni Nograles na mas magiging organisado ang pagtugon ng pamahalaan sa krisis sa tubig.
252