MAAGAP na sinopla ni Manila mayoralty bet Atty. Alex Lopez ang kampo nina Mayor Isko Moreno at Honey Lacuna hinggil sa isyu ng paninisi sa dalawang nakalipas na administrasyon kaugnay ng kontrobersyal na bentahan ng Divisoria Public Market.
Sa mga namayapang alkalde na sina Mel Lopez at Alfredo Lim nabaling ang sisi sa naturang bentahan na nagkakahalaga ng mahigit Php1.4-billion.
Ayon kay Lopez, nerbiyos na lang ang umatake kina Honey at Isko dahil madidiin sila sa malaking kaso.
Defense mechanism aniya ito ng kalaban para ma-divert ang isyu at malinis nila ang pangalan sabay sisi sa dalawang pobreng alkalde na may ilang taon nang namayapa.
Para kay Lopez, umeepal si Lacuna dahil ramdam nitong matatalo niya ito sa mga botante ng Manilenyo.
“Huwag n’yong idamay ang tatay ko, sa panahon n’yo nabenta ang Divi public market, binenta nyo ito nang wala sa panahon, wala naman kayong nabiling gamot para sa pandemic saan n’yo dinala ang pera?” tanong pa ni Lopez.
Binanatan nina Honey at Isko na mababa ang pagpapaupa ng dating alkalde sa vendors sa panahon ng panunungkulan nito.
Ngunit ani Atty. Lopez, 35 years nang patay ang kanyang amang si Mel, at noong panahong iyon na mura ang upa ay sapat na yun dahil mura pa ang bilihin at kaya pinaporma nito ang mga vendor sa public market ay para suportahan ang maralita at makabili ang mga consumer sa murang halaga.
Hindi aniya dapat ibato ang sisi sa iba dahil sa rehimen ni Isko nagkaroon ng sikretong bentahan na maaaring ginamit na campaign funds ng Asenso Manileño.
“Etneb, etneb singkwenta, singkwenta sabi naman ni Atty. Alex Lopez na pinasaringan ang mga delihensyador sa naturang public market. (JULIET PACOT)
221
