WANTED SA ATTEMPTED MURDER NABITAG

kulong

NASAKOTE ng mga parak ang isang lalaking wanted sa kasong attempted murder sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City.

Swak sa hoyo ang suspek na si Vincent Revidad y Delos Angeles, 20, residente ng Alupihang Dagat, Barangay Longos, ng lungsod.

Dinakip mga alagad ng batas na armado ng warrant of arrest ang suspek na si Revidad dakong alas-11:40 ng umaga noong Mayo 12 sa Alupihang Dagat, Barangay Longos.

Hindi na nakaporma ang suspek nang daluhungin ng mga parak at animo ay napiping kuting nang bitbitin sa presinto. (ALAIN AJERO)

118

Related posts

Leave a Comment