SNATCHER NASUKOL NG PARAK

MAKARAANG mahablot ang cellular phone ng isang 36-anyos na binata habang nakasakay sa isang pampasaherong jeep, agad nadakip ang suspek ng isang pulis na namataan ang insidente habang nagpapakarga ng gasolina sa isang gasoline station sa Sta. Ana, Manila noong Biyernes ng hapon.

Hindi nakapalag nang posasan ang suspek na si Eljean Cardaño, alyas “Ging-Ging”, binata, ng Punta, Sta. Ana, Manila.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col.  Orlando Mirando Jr., commander ng MPD- Warrant and Subpoena Section, bandang alas-7:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila.

Ayon sa salaysay ng biktimang si Emiliano Calubit, ng Fabie Estate, Punta, Sta. Ana, Manila, nakasakay siya sa isang pampasaherong jeep sa naturang lugar nang hablutin ng suspek ang kanyang cellphone.

Hindi naman nasiraan ng loob si Calubit na hinabol ang suspek hanggang sa namataan ni P/Cpl. Jayson Paet ng MPD-Station 6, habang nagpapakarga sa gasolinahan na nagresulta sa pagkakadakip kay Cardaño. (RENE CRISOSTOMO)

174

Related posts

Leave a Comment