QUEZON – Patay ang isang sabungero matapos na ito ay mahiwa ng tari ng manok na kanyang ilalarga sa sabungan sa bayan ng Tagkawayan, Linggo ng hapon.
Kinilala ng Tagkawayan Police ang biktimang si Ronnel Nator, 47, tubong Zamboanga City at nakatira sa Brgy. Candalapdap, Tagkawayan
Ayon sa ulat, nasa loob ng arena ang biktima at bibitawan na nito ang sasabungin para sa laban nang biglang pumiglas ang manok.
Bunsod nito, tinamaan ng tari ang biktima sa kanang hita. Agad isinugod sa Maria L. Eleazar General Hospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.
Pagkaubos umano ng dugo dahil sa sugat ang ikinamatay ng biktima. (NILOU DEL CARMEN)
716 