Kailangan nang magbayad sa transpo at accommodation OFWs HINDI NA LIBRE MULA HUNYO 1

INANUNSYO ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na simula sa darating na Hunyo 1, suspendido na ang transportation and accommodation assistance sa mga nagbabalik na OFWs.

Sinabi ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, ang tulong ay ibibigay na lamang sa in distress OFWs na sertipikado ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) o ng authorized OWWA airport officers.

Magpapatuloy rin aniya ang tulong sa OFWs na bahagi ng repatriation program ng gobyerno.

Paliwanag pa ni Cadac, nagdesisyon ang Inter Agency Task Force (IATF) na suspendihin ang programa ngayong inilagay na ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa sa Alert Level 1.

Samantala, ang mga partially vaccinated at unvaccinated OFW na kinakailangan sumailalim sa mandatory facility-based quarantine ay may accommodation assistance pa rin.

Ang pasahe na lamang mga ito pauwi ang hindi na sasagutin ng gobyerno. (RENE CRISOSTOMO)

174

Related posts

Leave a Comment