Reklamo ng mga biktima MERCRAFT KULANG SA LIFE JACKET

NANINDIGAN ang ilang survivors ng nasunog na M/V Mercraft 2 ferry sa karagatan ng Quezon province na wala silang nagamit na life jacket.

Kasunod ito ng pahayag ng Philippine Coast Guard na 157 ang tunay na bilang ng mga pasahero at tripulanteng sakay ng ferry nang maglayag ito mula Polillo Island patungong Quezon.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang kapitan ng Mercraft hinggil sa sanhi ng sunog. Maging ang alegasyon na wala o kulang ang nakalagay na life jacket sa vessel na may kakayahan umanong magsakay ng 180 pasahero.

Ayon sa ilang survivors, hindi umano nila makita ang life jacket sa fastcraft kaya napilitan ang ibang pasahero na maghagilap gaya ng mga container ng krudo na ginamit para pampalutang.

“Wala po, wala pong life jacket. Talagang ako ay hawak lang ng anak ko. ‘Yung iba po nagkagulo na sa side at kinuha na po nila yung mga container,” anang isa sa mga survivor.

“Nag-aagawan mga tao para lang may makuhang timbulan. Wala namang life jacket doon sa aming inuupuan, wala,” ayon pa sa isang pasahero.

Nilinaw ng naman ng PCG na ang kabuuang bilang ng mga apektadong indibidwal sa insidente ay nasa 157.

Sa nakuhang datos ng PCG Station Northern Quezon base sa isinagawang imbestigasyon noong Martes, Mayo 24, nasa 157 katao ang sakay ng barko.

Sa 157 pasahero at crew member, pito ang nasawi habang 29 ang sugatan. (JESSE KABEL)

188

Related posts

Leave a Comment