ECO TEAM NI PBBM APRUB KAY DRILON

INILARAWAN ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang economic team ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang credible at competent team.

Ayon kay Drilon, personal niyang mga kakilala ang mga inaasahang magiging miyembro ng economic team at wala siyang problema at kwestyon sa kanilang kakayahan.

Iginiit ng senador na sa gitna ng malaking problemang kinakaharap ng bansa tulad ng paghina ng ekonomiya at malaking utang na dapat bayaran, mahalaga na mahusay ang economic manager ng pamahalaan

Sa ngayon, sinabi ni Drilon na tiwala siyang magagampanan nang maayos nina incoming Finance Secretary Benjamin Diokno, Incoming neda secretary general Arsenio Balisacan at incoming Trade Secretary Alfredo Pascual.

Inaantabayan na lang sa ngayon kung sino ang itatalagang Budget Secretary at ang commissioners ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Pinunto pa ni Drilon na malaki ang hamong kakaharapin ng economic team ng susunod na administrasyon bunga ng dagok ng COVID-19 pandemic.

Kabilang na dito ang inaasahang pagpalo sa P13 trillion ng utang ng bansa hanggang sa katapusan ng taong ito. (DANG SAMSON-GARCIA)

251

Related posts

Leave a Comment