QC PRO 10-BALL, AMATEUR 9-BALL UMARANGKADA

MASIGLA na naman ang sports sa bansa, lalo ang ­billiard at patunay nito ang pag-arangkada ng ­Professional 10-Ball at Amateur 9-Ball tournament sa Quezon City.
Nagsimula noong Mayo 26, ginaganap ang Professional 10-Ball at Amateur 9-Ball sa Hard Times sa Timog Avenue, at Sharks Pool and Billiard Hall sa panulukan ng Sgt. ­Esguerra at Scout Bayoran, Brgy. Sacred Heart, 1pm tuwing Linggo at Miyerkoles at 6pm Lunes at Linggo.
Ayon kay Hadley Mariano, may-ari ng Sharks Pool and Billiard Hall, layon niya at ng QC government na makatuklas ng magagaling na billiard ­players na maaaring ­magrepresenta sa bansa sa iba’t ibang international competitions. (JOEL O. AMONGO)
187

Related posts

Leave a Comment