Sa gitna ng pagsirit ng inflation rate P500 AYUDA KADA PAMILYA IBIGAY NA

HANGGA’T hindi natatapos ang giyera sa Ukraine na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis, lalong lolobo pa ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ito ang babala ni House Ways and Means Committee chairman, Rep. Joey Salceda matapos i-report ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas sa 5.4% ang inflation rate noong Mayo kumpara sa 4.9% noong Abril.

Dahil dito, kinalampag ng kongresista ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibigay na ang ipinangakong P500 kada buwan na ayuda sa bawat pamilyang Filipino.

Ipinangako ng Pangulo ang nasabing ayuda matapos tumaas ang presyo ng langis sa world market dahil sa giyera sa Ukraine na nakaapekto sa presyo ng pangunahing mga bilihin lalo na ang mga pagkain.

Kapalit ang pangakong ito ang hindi pagsuspende sa excise tax sa mga produktong petrolyo subalit hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay ang ayudang ito sa pamilyang Filipino. (BERNARD TAGUINOD)

195

Related posts

Leave a Comment