BATANGAS – Patay ang isang 20-anyos na construction worker makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang drainage canal sa Barangay Marawoy, Lipa City sa lalawigang ito, noong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng madaling araw, naghuhukay ang biktima si Jay Vincent Asada, gamit ang pala na umabot sa apat na metro ang lalim, sa tabing kalsada.
Sa kasamaang palad, biglang gumuho ang lupa at natabunan ang biktima. (NILOU DEL CARMEN)
235 