TINIYAK ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Usec. Ricardo Jalad na nagsasagawa ng mga paghahanda ang gobyerno sakaling magkaroon ng volcanic eruption kasunod ng nangyaring phreatic explosion sa Mt. Bulusan sa lalawigan ng Sorsogon.
Kasabay nito, maging ang mga ahensyang nasa ilalim ng NDRRMC at Office of Civil Defense sa panahon ng kalamidad, ay gumagawa rin ng kaukulang emergency preparations.
Subalit inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) Director Dr. Renato Solidum, kasalukuyang nasa alert level pa rin ang sitwasyon ng Mt. Bulusan.
Nilinaw ni ni Jalad na ang mandatory evacuation o force evacuation ay ipatutupad lamang kapag itinaas na ang alert level ng Bulkang Bulusan sa alert level three hanggang alert level four.
At oras na maganap ang pinangangambahang pagputok ay unang ililikas ang naninirahan sa bayan ng Irosin dahil malaking bahagi sa naturang munisipalidad ay nandoon mismo sa caldera ng Mt. Bulusan. (JESSE KABEL)
363 