ARESTADO ang tatlo katao sa ikinasang entrapment operation ng magkasanib na puwersa ng Manila Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa sinasabing lugar ng e-sabong sa Tondo, Manila.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 in relation to Republic Act 10175 (illegal e-sabong operation) sina Melvin Isip y Banal, 25, maintainer; Mark Jorge Reyes , 27, cashier, at Archie Balmes y Figueroa, kubrador, pawang ng Tondo, Manila.
Batay sa ulat ng MPD Station 1, katuwang ang mga operatiba ng CIDG, sinalakay nila ang isang bahay sa #232 Magsaysay St. sa Tondo na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek dahil sa ilegal na operasyon ng e-sabong.
Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang 5 set ng computer desktops, 3 unit ng LAN Router, 2 unit ng cellular phone, isang genuine na P1,000 marked money na may kasamang boodle money at ID ng mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)
279 