2 HVIs NALAMBAT SA BUY-BUST

CAVITE – Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa listahan ng High Value Individuals (HVIs) ang arestado at nakumpiskahan ng P178,200 halaga ng umano’y shabu at marijuana sa buy-bust operation sa Trece Martires City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 ang mga suspek na sina Eduardo Baelo, at John Eric Velasquez, kapwa ng Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa ulat ni Corporal Wilfredo Villanueva Jr., ng Trece Martires City Police, dakong alas-12:05 madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEU Cavite PPO at mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Trece Martires CPS, sa Brgy. Inocencio, TMC na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawa.

Nakuha sa dalawa ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P138,000, at 335 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P40,200, at buy-bust money na P34,000.(SIGFRED ADSUARA)

192

Related posts

Leave a Comment