P49-M SHABU, NASABAT SA 13 TULAK SA CAVITE

CAVITE – Mahigit P49 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong 13 hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operations sa Dasmariñas City at Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles.

Sa buy-bust operation sa Brgy. Salawag, Dasmariñas City, kinilala ang mga arestado na sina Sandro Llanos Toledo 35, at Cecille Pilar Pakingan, 40; habang sa Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City ay kinilala ang mga arestado na sina Said A. Ungpe, 39, at Ali D. Masinger, 22; sa Brgy. Maliksi 3, Bacoor City kinilala ang mga arestado na sina Kimberly Balesteros, 39; Leo, Balais, 54; Marilou  Torres, nasa hustong edad at Marlon, Boltron, nasa hustong; at sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor City, kinilala ang mga nadakip na si Editha Arda at kapatid nitong si Marlon Arda; Kamarudin Karim, Anna Flores at Leslie Ledesma, pawang nasa hustong edad.

Ang mga suspek ay nadakip noong Miyerkoles sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Dasmariñas City at Bacoor City at nakumpiska ang mahigit P49,000,000 halaga ng umano’y shabu.  (SIGFRED ADSUARA)

132

Related posts

Leave a Comment