FACE MASK MAGIGING BAHAGI NA NG PAMUMUHAY

NANINIWALA si Senadora Imee Marcos na magiging bahagi na ng pamumuhay kasama ang COVID-19 ang pagsusuot ng face mask.

Subalit, ito anya ay para sa mga crowded enclosed spaces upang matiyak pa rin ang kaligtasan sa anumang sakit.

Binigyang-diin pa ni Marcos na maraming bansa ang nagpatuloy sa pagsusuot ng face mask matapos ang SARS at pananalasa ng iba pang karamdaman.

Sinabi naman ni Senator-elect JV Ejercito na kung nais na gawing optional ang pagsusuot ng face mask ay dapat palawakin pa ng Department of Health (DOH) ang kampanya para mas marami na ang magpabakuna kontra virus.

Iginiit pa nito na sa ibang bansa ay parang ordinaryong trangkaso na lamang dahil lahat ng bakunado na ang mayorya sa mamamayan.

Mas lalakas anya ang pagnenegosyo kung mararamdaman ng marami na ligtas na sila sa virus kahit pa itaas ang Alert Level 2.(Dang Samson-Garcia)

253

Related posts

Leave a Comment