MAGDYOWA TIKLO SA P.7-M DROGA, ARMAS

IBINALIBAG sa magkahiwalay na selda ang sinasabing magdyowang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng halos P.7 milyong halaga ng shabu at baril sa buy-bust operation sa Caloocan City.

Arestado sina Raymond Ejara, 36, at Arlene Gaspang, 24, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, habang may karagdagang kasong illegal possession of firearms and ammunition laban kay Ejara.

Bandang alas-1:30 ng gabi noong Biyernes nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa Phase 8B, Kaagapay Road, Barangay 176 kung saan isang undercover ang nakaiskor ng P37,500 halaga ng droga, at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur buyer kapalit ng epektus, ay agad silang dinamba.

Umabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na P680,000 ang halaga, buy-bust money, at isang cal. 38 pistol na may tatlong bala, ang nakumpiska sa mga suspek. (ALAIN AJERO)

291

Related posts

Leave a Comment