2 WELDER NA-SUFFOCATE SA BARGE

BATANGAS – Binawian ng buhay ang dalawang welder matapos ma-suffocate sa loob ng manhole ng nakahimpil na barge sa shipyard sa bayan ng Bauan.

Kinilala ang mga biktimang sina Jomari Carpio at Rachelle Magsino, kapwa taga Barangay Bolo ng nasabing bayan.

Batay sa report ng Bauan Police, pumasok ang dalawa sa manhole ng barge na pag-aari ng Katapatan Shipping habang ito ay naka-dry dock sa AG&P Shipyard upang maglinis at mag-repair ng tangke noong Biyernes ng tanghali.

Subalit bandang ala-1:30 ng hapon nang mawalan ng malay ang dalawa.

Agad isinugod ang mga ito sa Bauan Doctors Hospital subalit parehong idineklarang dead on arrival ng doktor.

Ayon sa doktor, acute respiratory failure secondary to suffocation at secondary to toxic substances inhalation ang ikinamatay ng dalawa.

Nalason umano ng hindi pa matiyak na kemikal ang dalawa sa manhole ng barge. (NILOU DEL CARMEN)

183

Related posts

Leave a Comment