JOBLESS TIMBOG SA CIDG BUY-BUST SA LOOSE FIREARMS

ARESTADO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Manila District Field Unit sa koordinasyon ng Manila Police District, sa ikinasang buy-bust operation ang isang lalaking jobless na sangkot na ilegal na pagbebenta ng loose firearms sa Moriones, Tondo, Manila noong Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Jervin Escamilla y Escamilla, 24-anyos, miyembro ng Batang City Jail Gang at residente ng Brgy. 123 Zone 9, Moriones, Tondo, Manila.

Nakumpiska sa suspek ang ilang mga ebidensya kabilang ang isang caliber 22 revolver na walang serial number; isang small red eco bag; isang piraso ng dusted P500 bill bilang marked money; isang piraso ng P500 bill bilang boodle money; at dalawang piraso ng small white envelope.

Dinakip ang suspek sa Felix St., Brgy. 123, Zone 9, Moriones, Tondo, Manila sa pamamagitan ng CIDG Flagship Project OPLAN Paglalansag Omega and Salikop dahil sa kasong paglabag sa Sec. 32 ng RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to CIACO with Pre-Ops No. CIDGMDFU-2022-07-27-717

Ang suspek ay miyembro ng Pasion criminal group (Unlisted CG) na ini-report sa ilalim ng I.R. File No. MDFU-NCR-11049-32 dated May 23, 2021, at sangkot sa stabbing incident na nangyari noong Hunyo 5, 2022 sa Brgy. 123 Zone 9, Moriones, Tondo, Manila kung saan ang biktima ay kinilalang si Reynaldo Rivera y Daaco

Ang grupong Pasion ay sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at loose firearms sa Tondo, Manila at kalapit na mga erya sa lungsod.

Gayundin, ang grupo ay sangkot sa theft and robbery (hold-up) sa erya.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na isasampa sa suspek sa Manila City Prosecutor’s Office.

176

Related posts

Leave a Comment