VETO-PROOF BILLS DAPAT MATIYAK SA ITATALAGANG PLLO CHIEF

HINIMOK ni Senador Chiz Escudero si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga na ng isang “high caliber Cabinet member” bilang pinuno ng Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).

Sinabi ni Escudero na dapat ang PLLO Secretary ay epektibong point person sa pagitan ng Malakanyang at Kongreso sa pagsusulong ng legislative agenda ng Pangulo.

Layon ng panawagan ng senador ang maiwasan ang “bill vetoing-spree” ng Malakanyang makaraang i-veto ni Pangulong Marcos ang limang panukala na ipinasa ng 18th Congress kabilang na ang tax exemption sa honoraria ng mga guro na nagsisilbi sa halalan.

Ipinaalala ni Escudero na krusyal ang papel ng PLLO head upang mapanatili ang maayos na relasyon sa pagitan ng executive at legislative branches.

Iginiit din ng senador ang agarang pagko-convene ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) para talakayin ang priority bills ng administrasyon.

Binigyang-diin ng senador na mahalaga ang pagtatalaga ng epektibong PLLO chief upang hindi masayang ang oras at pondong ginugugol sa pagbalangkas ng panukalang batas.

Pinatitiyak din ng senador sa susunod na PLLO chief na kaya nitong makipagtrabaho sa Kongreso para maging veto-proof ang mga naipasang panukala.

“Kung mali ang posisyon ng isang Cabinet secretary or sablay ang provision ng isang bill, ang trabaho niya ay hindi kunsintihin ito pero i-wasto. Doing so will protect the President. Lawmaking is a series of compromises and reconciliations. The process has many points in which the PLLO can make suggestions,” diin ni Escudero. (DANG SAMSON-GARCIA)

243

Related posts

Leave a Comment