Sa pagpanaw ni FVR 10-DAY ‘NATIONAL MOURNING’ IDINEKLARA

IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 10 araw na “national mourning” dahil sa pagpanaw ni dating Fidel V. Ramos, sa edad na 94.

Ang 10 araw na “national mourning” ay magsisimula sa official announcement sa pagkamatay ng dating Pangulo nitong Linggo, Hulyo 31 at magtatapos sa Agosto 9, 2022

Ayon sa Chapter 1 ng Republic Act No. 8491 o “Flag and Heraldic Code of the Philippines,” “the Philippine flag shall be flown at half-mast as a sign of mourning on all buildings and places it is displayed.”

Nauna rito, nagpaabot ng pakikidalamhati si Pangulong Marcos sa pamilya ni FVR.

“Our family shares the Filipino people’s grief on this sad day. We did not only lose a good leader but also a member of the family,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang FB account.

Nanawagan din si Pangulong Marcos sa lahat ng Pilipino na ipagdasal ang pumanaw na dating lider ng bansa.

“The legacy of his presidency will always be cherished and will be forever enshrined in the hearts of our grateful nation,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Mananatili ang “legacy” ni FVR sa puso ng sambayanang Pilipino bilang ika- 12 Pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998. (CHRISTIAN DALE)

254

Related posts

Leave a Comment