SD CARDS LIGTAS SA SUNOG SA COMELEC

WALANG dapat ikabahala ang publiko dahil walang nadamay na mahahalagang gamit ng Commission on Elections (Comelec) sa pagkasunog ng bahagi ng gusali nito sa Palacio Del Gobernador, Intramuros, Manila, Linggo ng gabi.

Pagtiyak ni acting spokesperson Rex Laudiangco, walang nasunog na SD cards sa Information Technology Department (ITD) lalo na walang SD cards sa buong premises ng Comelec Main Office.

“Lahat po iyan ay nasa aming secured warehouse na mas mataas po ang antas ng proteksyon. Kung makikita po ninyo, hindi po kami nag-store kahit ng [Vote Counting Machine] dito.

Kaya po ‘yung agam-agam at pangamba tungkol sa SD cards, pawiin po ninyo ito at wala pong SD cards sa main office ng Comelec,” paglilinaw ni Laudiangco.

Dagdag pa ni Laudiangco, maging ang iba pang vault na nag-iimbak ng back-up information ng Comelec ay hindi naapektuhan sa sunog.

Samantala, umakyat naman sa ikalimang alarma ang sunog sa residential/commercial area sa Fugoso St. na nasa likuran lang ng central market sa Sta. Cruz, Manila, Martes ng hapon.

Sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, ala-1:05 ng hapon nang magsimula ang sunog at dakong 1:35pm ay itinaas ito sa 5th alarm.

Wala namang casualty o injured na naitatala ang BFP. (RENE CRISOSTOMO)

199

Related posts

Leave a Comment