JEEP SUMALPOK SA PADER 1 PATAY, 4 SUGATAN

BATANGAS – Isa ang patay habang apat namang iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok sa pader sa gilid ng kalsada ang kanilang sinasakyang jeep sa JP Laurel Highway, Barangay Tambo, Lipa City sa lalawigang ito, nitong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Lipa City Police ang namatay na si Christopher Medina, 25-anyos, isang security guard.

Sugatan naman ang driver na si Jemuel Hernandez, 24, at mga pasaherong sina Patrick Isaac Panganiban, 19; Jaem Medina, 21, at isang menor de edad na estudyante.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pasado ala-1:00 ng madaling araw, tinatahak ng jeep ang nasabing highway patungong Lipa City Proper nang mawalan ng kontrol ang driver sa pakurbang bahagi ng daan hanggang sa diretsong sumalpok sa pader ng isang business establishment.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng jeep at grabeng nasugatan ang mga biktima.

Dead on arrival sa Lipa City District Hospital ang pasaherong si Christopher habang isinugod  sa magkahiwalay na ospital ang apat pang mga biktima kabilang ang driver na si Jemuel. (NILOU DEL CARMEN)

179

Related posts

Leave a Comment