MAG-INA RUMAMPA SA CENTER ISLAND, 1 PATAY

CAVITE – Patay ang isang 67-anyos na babae na naka-angkas sa motorsiklo ng kanyang anak nang rumampa sa concrete center island ang kanilang sasakyan sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Parehong dinala sa Pagamutan ng Dasmariñas ang mag-inang sina Gloria Benasa at Jerome Benasa, 37, kapwa residente ng Pactus Compound, Brgy. Salawag, Dasmariñas City subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang una.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jesus Bae ng Dasmariñas City Police, ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente habang minamaneho ni Jerome ang kanyang motorsiklong Honda TMX at angkas ang kanyang ina.

Habang binabagtas ng mga biktima ang Aguinaldo Highway, Brgy. Sampaloc 2, Dasmariñas City galing Batangas patungo sa direksyon ng Pala-pala, nang rumampa ang motorsiklo sa concrete center island ng kalsada.

Kapwa isinugod sa ospital ang dalawa subalit namatay habang nilalapatan ng lunas ang matanda.  (SIGFRED ADSUARA)

233

Related posts

Leave a Comment