BAKIT MAY BAYAD PA ANG MGA PADALA NA INABANDONA NG CMG?

RAPIDO Ni PATRICK TULFO

HABANG hinihintay ng mga kababayan natin sa UAE ang paglabas ng labing-walong container na inabandona ng ALL WIN Cargo sa Manila International Container Port (MICP) sa ­Maynila, patuloy kaming nakatatanggap ng mga mensahe sa aming FB page ukol sa estado ng kanilang padala at karamihan ng mga tanong ay may kinalaman kung kailan maire-release ang mga container, bakit kinakailangang magbayad pa samantalang nabayaran na nila ang kanilang mga padala at maging ang delivery charges na inilabas ng Door-to-door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP).

Ito muli ang mga kasagutan sa mga tanong na ‘yan, ayon sa Bureau of Customs, inaabot ng limampung araw ang proseso dahil kasama rito ang palugit na ibinibigay sa shipper ng mga ­container bago pa ito ­maideklarang abandonado, ang pakikipag-ugnayan sa DDCAP para sa auction ng mga ito at maging ang proseso ng mga dokumento nito.

Pakitandaan po lamang na labing-walong container ang nakatakdang i-release sa Cargoflex at sa mga miyembro ng DDCAP para sa delivery nito.

Sa usapin ng pagbabayad ng delivery charges, nauna nang ipinaliwanag ng presidente ng Cargoflex na si Mr. Arlie Tero, na hindi ini-remit ng ALL WIN sa kanila ang dapat na bayad sa delivery charges kaya maging sila man ay biktima rin sa pangyayaring ito. Sa aming pag-uusap, sinabi nito na nasa sampung milyong piso na ang kanilang lugi dahil sa ginawa ng ALL WIN.

Sa isyu naman ng bayarin sa delivery charges para sa mga padala, ibinase na lang daw ito sa medium size na box kahit pa bulilit, jumbo or super jumbo ang kahon, ito raw ang napagkasunduan nila sa DDCAP na pinamumunuan ngayon ni Mr. Joel Longares ng Atlas Brokerage and Express Padala.

Sa aming panayam kay DDCAP president Longares noong isang araw sa aking programa sa DZME 1530khz, ipinaliwanag nito na wala silang kita sa delivery charges dahil tulong na lang ito sa mga kababayan nating nabiktima ng mga nag-abandona mga kargamento.

Sinabi nito na libre na ang mga kukuha ng kanilang mga kargamento sa warehouses ng mga miyembro ng DDCAP tulad ng nangyari sa CMG cargoes na nasa pangangalaga na ng Atlas na ngayon ay kanila nang inihahatid sa mga may-ari.

Habang isinusulat ko ang column na ito, tinawagan namin at nakausap si DDCAP president Joel Longares at ikinunsulta ang problema ng mga nagtatanong ukol sa delivery charge sa small o bulilit boxes.

Ang magandang balita ay sinabi nito na “FREE OF CHARGE” na ang delivery ng mga kahon na bumagsak sa kanyang Atlas Brokerage and Express Padala pero hindi raw po sa iba.

187

Related posts

Leave a Comment