Maliban kay Jordan Clarkson 8 PBA PLAYERS PASOK SA GILAS

WALONG PBA players ang kabilang sa mga bubuo sa Gilas Pilipinas pool para sa Fiba World Cup sa susunod na taon.

Ayon sa ilang sources, kasama sa walo si six-time MVP June Mar Fajardo ng SMB at si reigning MVP Scottie Thompson ng Ginebra.

Nasa proseso ngayon si Gilas coach Chot Reyes ng pagbuo sa pinakamalakas na 20-man lineup ng players na sesentro kay Fil-Am at NBA player Jordan Clarkson.

Si Clarkson ng Utah Jazz ay nangakong maglalaro sa Gilas sa fourth window ngayong Agosto. Katunayan, darating siya sa 18 para sa Gilas buildup, na sisimulan ni coach Chot sa 15.

Ang status ni Clarkson sa ilalim ng eligibility rules ng Fiba ay makakaimpluwensya sa iba pang Pinoy players sa iba’t ibang international leagues, sabi pa ng isang source.

Samantala, ilan pa sa PBA players na kinokonsidera sa Gilas ay sina Ginebra’s Japeth Aguilar, SMB’s CJ Perez, NLEX’s Calvin Oftana, NorthPort’s Jamie Malonzo, Meralco’s Chris Newsome at TNT’s Troy Rosario.

Plano rin isama sa pool ang ilan nakabase sa ibang bansa gaya nina Kai Sotto, Japan B.League imports Thirdy at Kiefer Ravena, Roosevelt Adams at Dwight Ramos; at mula sa collegiate sina Carl Tamayo at Kevin Quiambao.

Narito ang iskedyul ng Gilas sa fourth window: Agosto 25vs Lebanon, at 28 vs Saudi Arabia. (Ann Encarnacion)

184

Related posts

Leave a Comment